(Play this and start reading my poem when the lyric starts)
Lahat binalewala
Pero lahat naman ginawa mo
Lahat nakalimutan nya
Pero lahat naman sinabi mo
Lahat na lang di nya inintindi
Pero lahat naman inayos mo
Bakit ganon?
May mali ba ko?
tangina naman bakit ganyan?!
Yan yung mga tanong na bumababag,
sa bawat gabing pag-iisip mo sa kanya.
pag iisip sa lahat ng ginawa mo
pag iisip sa lahat ng sinakripisyo mo
pero tuloy tuloy parin ang pag iisip ko
MALI BA AKO?!
San ako nag kulang?
Ang hirap
Ang sakit
Pero oo ako na lang ang mali para matapos to
oo ako na lang ang may kulang
oo ako na lang ang iintindi lagi
para naman matapos na to
di na ko mabagabag sa bawat gabing hirap ako
Hindi ka man lang ba magkakaroon sakin ng pake
yung tipong tatanungin kung nahihirapan ba ako?
aasa na lang ba ako?
at tuloy tuloy masasaktan?
dapat ko pa bang ituloy to?
tangina luluha na lang ba ako lagi?
Bakit ba ganto ka?
ano nga ba talaga ang ginawa ko?
baka naman pinaglalaruan mo lang ako?
grabe na tong bumabagabag sa buhay ko.
Grabe na hindi ko na maintindihan.
Minsan nga mapapasigaw na lang ako
tangina ano ba to?
buhay ko ba to?
hindi naman ako ganto nung wala ka
Ang hirap. sobra pero wala iiyak ko na lang to
pero syempre ngingiti na lang ako pag nakita kita
ayoko naman ipakitang mahina ako
pero wala
sa huli ganun pa rin
lalabas pa rin na ikaw ang kahinaan ko
kasi yun nga
mahal nga kasi kita
pero ikaw ba? mahal mo ba talaga ako?
O napadaan ka lang talaga para pag laruan ang buhay ko.
Wala na ba talaga akong karapatan para maging masaya?
Andami ko ng katanungan.
andaming katanungan na miski isa hindi mo man lang masagot
katanungan na nagpapahirap sakin
katanungan na pinapalayo ang agwat natin
Katanungan na dapat na nga bang sagutan?
katanungan na humihigit sakin palayo sayo
katanungan na dahilan ng pagsuko ko para sa'yo.
(My short poetry entitled: TANONG)
Lahat naman ata nakaramdam na ng sakit. Minsan hindi lang natin nahahalata sa isang tao na nasasaktan na sya. Minsan rin naman hindi natin talaga pinapaalam sa iba na nasasaktan tayo para hindi na lumala. Kung iisipin natin, sobrang hirap talaga masaktan, maraming nangyayari, maraming iniisip at maraming pinoproblema, at kadalasan pa nga ay may nadadamay pa sa kalagayan nating to. Hindi naman napipigilan ang sakit e. Lalo na kung hindi pisikal. Mas mahirap ang sakit na nadadama ng emosyon kaysa sa pisikal. Hawak kasi ng emosyon natin ang utak natin na kumo-control ng buong pagkatao natin. Ibig-sabihin, lahat naapektuhan. Bakit nga ba tayo nasasaktan? Pano ba tayo nasasaktan? Pero eto lang masasabi ko. Lahat ng to ay parte ng buhay natin at kaylangan nating maranasan para mas tumibay tayo.
Salamat ulit sa pagbabasa pips, balik kayo sa next update ko. By the way that was my original poetry inspired by Juan Miguel Severo. I'm accepting comments for the improvement of my blog. And please kindly click the G+ Button as a sign of support. Thanks. Again you can follow me on my following accounts:
- TWITTER : @hrlymance
- FACEBOOK : Harley Mance
"I always say that I'm okay even though I'm not."
No comments:
Post a Comment