Tuesday, December 8, 2015

BASIC EFFORT - DATE

60% - 70% ng relationship sa Pilipinas nagsimula sa isang katagang tinatawag nating "DATE". Yan na ata ang nakasanayan ng Pilipino para mas makilala agad nila ang mga taong gusto nila. Eto na rin yung nagiging hakbang para mapa-ibig mo ang isang tao. Pero hindi naman sa lahat ng oras, sa simula lang ginagamit ang "DATE" na ito. Ginagamit rin itong pang-celebrate ng isang okasyon. 
Gamit na gamit na ang katagang yan sa henerasyon natin ngayon, halimbawa na lang ang katagang; "FriDate". Pero bago ang lahat, paano nga ba nag sisimula ang isang DATE? Kaya eto ang ilan sa kilalang dates sa pilipinas:


  • THE AFTER KUHA NUMBER DATES - Mag umpisa tayo dito sa karaniwang date na nakikita natin na karaniwang ginagawan ng paraan ng mga lalaki.The after kuha number dates, halata naman sa pangalan ng date na to kung ano ito e. Eto yung date after kunin  ng lalaki ang number ni babae. Yung tipong itetext mo sya at aayaing mag date pero syempre bago mangyari tong date na to, ginagawa lahat ng lalaki para mapapayag itong si babae, hindi na mawawala dito yung tinatawag nating pambobola. Kung akala nyong mga babae ang pambobola e napakawalang kwentang bagay, nagkakamali kayo, isa ito sa effort ng lalaki para lang magawan nya ng paraan ang mga bagay, in short para mapasagot ka kasi gusto ka nya. Nagaganap kalimitan ang TAKND sa mga coffee shop like starbucks or lunch dates pede ring dinner basta kadalsan kainan. 
  • FAMILY DATES- Hindi sa lahat ng oras puro tungkol sa pagboboyfriend/girlfriend ang pagdedate. May tinatawag rin tayong family dates na isa sa mga dahilan ng matatag na pamilya, yung tipong sama-sama nyo hinaharap ang problema ng pamilya, walang sikreto. Kalimitan, kainan tong family dates.
  • MOT-MOT DATES- Eto yung dates na para sa may karelasyon or bestfriend or kaibigan. Eto yung okasyon na sine-celebrate buwan. Kalimitan naman itong nagaganap sa mga amusement parks like Enchanted Kingdom, Star city, Sky Ranch a marami pang iba. Pede ring kainan, or pumunta sa mall with bf/gf, bff or friend.
  • HOME DATES - Para sakin, ito ang pinaka sweet na dates. Ito yung dates sa loob lang ng bahay with your one and only. Movie , kulitan at kainan ganyan. Simple pero sweet.

Yan ang mga pangkaraniwang kilalang dates sa pilipinas. Ang date ay mahalagang bagay rin, dahil kaya nitong magpatatag ng relasyon at magpalalim ng pagmamahalan kaya mga lalaki at babae wag nating ibalewala lang ang mga date. Dahil isa itong effort. Kaya kung may iba kayong alam na dates i-comment nyo lang sa comment box, or pede nating pag usapan yan , ifollow nyo lang ako sa mga sumusunod:
TWITTER : @hrlymance
FACEBOOK : Harley Mance
Also email/follow me on Google + : harleymance@gmail.com
Blogger's message: Guys tutukan nya lang blog ko ha. Daily naman ako mag uupdate. Thanks pips. Spread the blog lang guys and don't forget to spread the love. 

Live.Laugh.Love.

No comments:

Post a Comment