Thursday, December 10, 2015

A SECOND CHANCE

A SECOND CHANCE

Nasaktan, Naghiwalay, Nag-iyakan, Umasa at muling nagbalikan ngunit magiging tuloy tuloy ba ang pagmamahalan nyo hanggang sa huli? Maging maayos kaya ang takbo ng relasyon nyo pagkatapos ng lahat? 

Popoy & Basha. Isang halimbawa ng may napakaganda relasyon. Sila yung tipong mahal na mahal ang isa't isa, at handang gawin lahat para lang sa relasyon nila. Nag-umpisa sila sa isang magandang umpisa ng relasyon, nagkasakitan, nagkahiwalay at heto muling nagkabalikan. At ngayon, sila ay sasabak na sa isang bagong buhay, isang napakahirap pero worth it na stage ng buhay. Ang paging mag-asawa na. 

Sa movieng 'to makikita natin ang isang halimbawa ng buhay mag-asawa. Kung saan may lungkot, away, saya at pagmamahalan. Makikita nyo rito si Popoy, isang napaka bait na asawa na handang gawin lahat at isakripisyo lahat para lang sa kanyang pinakamamahal na asawa, si Basha, isang napabuti ring asawa, napaka maintindihan at mapagmahal. Pero bakit nga ba kaylangan humantong ang isang relasyon sa matinding bangayan/awayan? Hindi naman natin lahat ineexpect na mangyayari tong mga bagay na'to, pero ano nga ba ang dahilan ng mga away na to. Isa lang naman ang dahilan ng mga problema ni Popoy at Basha sa movie na 'to. Parehas na lang gustong gawin lahat para sa isa't isa hanggang sa di na nila naisip ang tunay na meaning ng pagmamahalan. Si popoy naman masyadong sinolo ang lahat, hindi mo naman dapat solohin lahat e, pero dahil nga sa paghahangad na gawin lahat at matupad lahat para sa kanilang dalawa, nagkaganto si popoy hanggang sa dumating na nawala ang pinakamamahal nilang anak sa sinapupunan pa lang ni Basha.

Nag-away? Nasaktan? Isa yan sa nangyari sa magandang relasyon ni Popoy at Basha. At alam nyo ba ang magandang ipinakita sa movieng 'to? Na kahit anong mangyari, nandyan parin ang mga kaibigan mo para sa'yo, para damayan ka sa lahat ng problema mo, at para pasayahin ka. Lumipas ang mga araw, nag-away, nagkasakitan ng damdamin, nagkaaminan ng mga nagawang mali, nagkaiyakan pero hanggang sa huli , naging totoo parin sila sa isa't isa at binigyan ang isa't isa ng isa pang chance para mas maging maayos ang relasyon nila. 

Lahat naman deserving ng second chance e. Nasa tao nga lang yun kung ipapakita nya talaga na deserving sya para dito. At tandaan, kaya kayo nasa isang relasyon ay para magtulungan hindi para solohin ang mga problema.

by RSG RELEASE TEAM
(Don't forget to like there fb page for more updates of your favorite movies)


Blogger's message: Thank you ulit guys sa muling pag subaybay saking blog. Sa next update ulit. 

Everyone deserves a second chance.

No comments:

Post a Comment