Sunday, December 13, 2015

Eto mag-isa ako.

Masaya tayo, nigitian
Malakas na tawanan, halakhaan
Ganyan tayo kasaya magkasama
Pero nagbago lahat ng sumakay ka
Sumakay ka sa magarang kotse paalis
Paalis sa lugar kung san tayo naging masaya
Kaya eto ako mag-isa

Isang araw, dalawang araw, tatlong linggo, apat na buwan, limang taon?
lahat binilang ko
lahat tiniyaga ko
lahat ginawa ko
pero nagmuka lang akong gago

Hindi ko inasahan na maglalaho ka ng ganto
wala rin kasi sa isip ko na iiwan mo ako
may naging kulang ba kaya nagawa mong iwan ako?
may naging mali ba? kung wala, bakit kaylangan ganito?

Puntahan natin ang unang pagkikita natin
pagkikita nating tumatak at napadikit sa puso natin ng walang iglap
pagkikitang hindi ko pinagsisisihan
at pagkikitanging magiging dahilan kaya eto ako mag-isa

Di ko kinaya, di ko napigilan
di ko napigilang iyakan ang dalawang salitang ito
Mag-isa? Mag-isa? Mag-isa na ko
anim na letrang kalagayan ko ngayon
aninm na laetrang nagpapalakas sakin ngayon
anim na letrang bumubuo ng pagkatao ko ngayon

ngayon, na nasan ka na nga ba?
nawala ka na ga ba?
ganun na lang ba?
gaguhan, lokohan, gamitan, ganon na lang ba?
tanong na bunga ng pag-alis mo

pag-alis mong bumagabag sa buhay ko
pag-alis mong baon ang puso kong, ano buhay pa ba?
pag-alis mong pumatay sa kasiyahan ko
pag-alis mong hindi patas para satin dalawa
pag-alis mong naging dahilan kaya eto mag-isa ako.

Isang tula para sa mga naiwan, nasaktan, nagmahal ng lubusan, at umaasa parin sa pagbabalik nya. Hindi natin maalis satin yung galit at lungkot kapag iniwan ka ng isang tao. Normal na isang taong naiwan yun. Kaya para sa lahat ng nararanasan to, magpakatatag lang tayo. Wag agad sumuko, masaktan ka na, umasa ka na, maghintay ka na, wag lang siya mawala.

Blogger's message: Salamat sa tuloy tuloy na pag subaybay sa blog ko. More updates para sa taon na'to. Kung may comments, suggestions, o kahit ano libra lang yun. Hanggang sa susunod na update mga kapips.

Be patient. 

No comments:

Post a Comment