nababalot na ng ngiti yung kapaligiran ko
nagliliwanag na yung bawat kanto
ang lamig na ng hanging humahampas sa katawan ko
pero di ko lubusang maisip na magiging madilim sa loob ko ang pasko
magiging mainit ang malamig na hangin na humahampas sa balat ko
mangangapa na lang bigla sa dilim na parang may hinahanap na kung ano
hinahanap na minsan ng nagsindi ng madilim kong pasko
ang lakas na ng sigawan ng tao , ako eto ngiti lang
ngiti na bumabalot sa malungkot na saloobin
ngiti na nagpapakita ng saya para lang sa iba ngunit di para sa sarili
ngiti na ewan lang, pilit lang, pinakita mo lang.
Bat mo nga ba ako iniwan?
nasan ka sa panahong dapat ikaw ang magpipinta ng ngiti ko
nasan ka sa oras na dapat ikaw ang nagpapatalon sakin
nasan kang tangina ka sa oras na ang lamig at kaylangan ko ang yakap mo!
Sari-sari na ang kumakatok sa isip ko
isip kong gulong gulong
na halos nahihirapan na ang puso ko magpadaloy ng dugo
kakaisip sa kung ano na dapat ang nangyayari satin kung andito ka
kung andito ka ngayong pasko
wala na kong hihingin pang regalo
hindi na ko aalis sa tabi mo
di na ko mababalot ng luha
di na ko magkukulong sa kwarto
di na ko magpapanggap ng ngiti
kaso ang problema, wala ka
Bakit kasi wala ka?
Alam mo ba kung gano kahirap?
Puno na ng katangahang saloobin yung kwarto ko
Wala ng paglagyan ang salitang sakit sa puso ko
Di ko na kinakayang ngumiti sa harap ng tao, tanginamo.
Bakit kasi wala ka?
Sana naman umuwi ka.
Mayakap lang kita sapat na
Kahit ngayong pasko lang, sige na.
Maigsing tula (spoken words) para sa lahat ng hindi kasama ang mahal nila sa buhay ngayong pasko. Tulang nagpapaalala at nagpapatibay sayo ngayong pasko para kumapit at hindi sumuko kahit wala sya. Gawin nating masaya ang pasko, punuin natin ng ngiti. Dasal lang at tiwala. Merry Christmas to everyone & Happy Holidays.
Spread the mercy, peace and love.